Ang Gumamela... ito ay bahagi lang ng tatlong tula na aking binasa sa harap ng mga mag-aaral, mga guro, mga Palanca Awardee at mga makata mula sa Baguio; kahapon February 25, 2009 ay naglunsad ang U.P. Baguio - NCCA ng Poetry Reading bilang bahagi, ng Buwan ng Sining sa taong ito. ito lang yung nakuha kong bidyu para sa aking sarili. lotek kasi yung gamit ko. sa kabuuan ay nakamit naman ang buong layunin sa pagbigkas ng tula. nabawasan na rin ang panginginig. maraming mga natutunang aral mula dun sa poetry reading sa powerbooks. isa sa tula na binasa ko ay yung James Balao: Ikaw na Nawawala, alam ko kasi na alumnus siya ng U.P. Baguio, kinausap ako ng isang guro pagkatapos at sinabihan na "napaiyak siya sa aking tula" at humihingi siya ng kopya ng tula para kay james balao. may nakausap din ako na isang Palanca Awardee, nagmungkahi siya na bakit daw ako hindi sumali sa Palanca?, ibubukas niya daw ang kanyang tulong upang ayusin ang mga tula na balak kong ipasok sa timpalak Palanca. nagbigay din siya ng isang biglang puna dun sa binasa kong tula na "Papuri sa Peste", sabi niya, dapat daw ay hindi ko na binanggit pa yung pangalan ni Joc-joc Bolante sa tula. dahil sa ang tema ng tula ay PAHULAAN. maliwanag naman daw sa nilalaman ng tula kung sino ang taong iyon, kaya hindi na kailanga, na banggitin pa ang kanyang pangalan. na siya namang agad ko ring sinang-ayunan. marami akong natutunan at nakilala sa poetry reading kahapon. maraming naibukas na mga oportunidad. subukan ko rin pag-isipan yung sinasabi ng ginoong iyon na magpadala ng entry sa Palanca, subukan kung papasa ba sa mga andun ang mga akda na may politika. sa April 30 pa naman ang huling araw ng pagpapadala ng entry. higit sa lahat, salamat sa inyong mga suporta mga FW'ers! lalo na kina kuya rom(wasak), ate teena, ate aireen, jluna, rhea stone, anne, fhe, ate katya(da best), spike west, talulot, dyeppri, jondsmur, ate ruthie, kuya noid(syempre). Mahal na Mahal ko kayong lahat! salamat din sa aking John Lennon T-shirt. hahaha! salamat sa sambayanang pilipino! Kaya, nood na. 1:45 minutes lang to. kaya wag niyo pansinin yung 4:mins mahigit na duration niya. pag tapos na yung tula, at nakita niyo na yung www.filipinowriter.com, yun na yun. paumanhin, dahil lo kwaliti ang bidyu, unang subok ko na mag-edit eh. paabot lang ang kung anong puna at komento. -Kislap
Ang Homosexual sa Lipunang Magara, Cool at Astig*Ang Homosexual sa Lipunang Magara, Cool at Astig* Ni Kislap Alitaptap 17 Oktubre 2008 2325 Oras Ang kasaysayan ng tao’y nasa yugto na ng abanteng sibilisasyon. Malayo na ang pagitan natin mula sa ating nakaraan. Kung dati ay kailangan pang... more
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() Ang GumamelaAng Gumamela...ito ay bahagi lang ng tatlong tula na aking binasa sa harap ng mga mag-aaral, mga guro, mga Palanca Awardee at mga makata mula sa Baguio; kahapon February 25, 2009 ay naglunsad ang U.P. Baguio - NCCA ng Poetry Reading bilang... more
|
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||



